Pagbagsak ng ekonomiya ibinabala kung hindi pa matatapos ang speakership issue

By Erwin Aguilon July 15, 2019 - 10:03 AM

Ibinabala ni Party-list Coalition President at 1-PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero sa pagbagsak ng ekonomiya ng bansa kung hindi pa rin matatapos ang isyu sa usapin ng speakership.

Ayon kay Romero, kung patuloy ang banggaan ng mga sangay ng pamahalaan sa isyu ng speakership ay tiyak na walang trabaho na matatapos ang Kamara.

Mababalewala aniya ang mataas na GDP growth rate na nasa 7% hanggang 8% na posibleng maapektuhan at bumagsak sa 1% hanggang 2% kung hindi magkakasundo ang ehekutibo at lehislatura.

Hindi din naman anya din gugustuhin ng lahat na maging disruptive ang gobyerno kaya kailangan na nasa iisang pahina lamang sila na tinatahak at iyon ay ang pagsunod sa signal at pakikinig sa presidente.

Sa puntong ito, tiniyak ni Romero na 99% ng mga kongresista ay nakikinig kay Pangulong Duterte.

Sa unang sesyon ng 18th Congress sa July 22ng umaga ay magsisimula na ang kanilang botohan sa ihahalal na speaker ng Kamara kung saan susundin ang endorsement ng pangulo na term-sharing sa pagitan nila Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

TAGS: House of Representatives, house speaker, Radyo Inquirer, speakership issue, House of Representatives, house speaker, Radyo Inquirer, speakership issue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.