Pamunuan ng niloobang Metrobank branch sa Maynila hindi pa naisusumite ang CCTV footage sa pulisya

Bigo pa rin ang pamunuan ng Metrobank branch sa Binondo sa Maynila na maisumite sa pulisya ang kopya ng CCTV footage matapos mapasok ng mga kawatan noong nakaraang linggo.

Dahil dito ayon kay Manila Police District chief Brigadier General Vicente Danao nabinbin ang kanilang imbestigasyon sa robbery incident.

Umaasa si Danao na makikipag-cooperate sa kanila ang pamunuan ng bangko.

Pito ang tinitignang suspek na nanloob sa nasabing bangko.

Unang sinabi ng MPD na tinitignan nila ang anggulong “inside job” dahil pinapasok ang mga lalaki kahit sarado pa ang bangko.

Read more...