Southern Leyte at Davao Oriental niyanig ng lindol

By Dona Dominguez-Cargullo July 15, 2019 - 09:43 AM

Magkasunod na pagyanig ang naitala sa Southern Leyte at Davao Oriental, Lunes (July 15) ng umaga.

Alas 7:24 ng umaga nang tumama ang magnitude 3.0 na lindol sa bayan ng Hinunangan sa Southern Leyte.

Naitala ang epicenter ng lindol sa 5 kilometers northwest ng Hinunangan at may lalim lang na 1 kilometer ang pagyanig.

Alas 8:14 naman ng umaga, naitala ang magnitude 3.2 na lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental.

Ang epicenter ng pagyanig ay sa 14 kilometers southeast ng Governor Generoso.

1 kilometer lang din ang lalim ng pagyanig.

Kapwa tectonic ang origin ng lindol at hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala sa ari-arian.

TAGS: davao oriental, earthquake, Governor Generoso, Hinunangan, southern leyte, davao oriental, earthquake, Governor Generoso, Hinunangan, southern leyte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.