Lalaki patay sa pananambang sa Bohol

Patay ang isang lalaki makaraang tambangan habang sakay ng kaniyang SUV sa Tagbilaran City, Bohol.

Nangyari ang pananambang alas 12:40 ng madaling araw ng Lunes, July 15 sa Barangay Booy.

Ayon kay Police Lieutenant Rodante Cinchez, acting chief investigator ng Tagbilaran City hindi pa nakikilala ang biktima na sakay ngkulay gray na SUV.

Wala kasing anumang ID na nakuha mula dito.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na agad niyang ikinasawi.

Sinabi ni Police Master Sergeant Joemer Miculob ng Scene of The Crime Operatives nakakuha sila ng hindi bababa sa 116 na empty shells ng M-16 rifle sa crime scene.

Ayon sa mga residente, inakala nila noong una na tunog ng fireworks display ang kanilang narinig na sunud-sunod na putok.

Read more...