Pangulong Duterte target din na magtatag ng Marine Bureau

By Chona Yu July 15, 2019 - 09:01 AM

Maliban sa pagtatag ng Department of OFW, pinag-aaralan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatatag ng Marine Bureau.

Ito ay para naman tiyakin ang kapakanan ng mga Filipino Seafarers.

Gayunman, hindi na tinukoy ni Pangulong Duterte kung ano ang pagkakaiba ng operasyon ng Marine Bureau sa Maritime Industry Authority o MARINA.

Ikinadidismaya ng pangulo na hindi rin nakaliligtas ang mga seafarer sa illegal recruitment.

“Maybe I can create the office of OFW pati ‘yung isa, meron pa ako ‘yung sa marino, a marine bureau. Ganun rin ang ano… It’s always the case of a bad recruitment, starting with a bad recruitment tapos kaawa ‘yung Pilipino,” ayon sa pangulo.

Una rito, sinabi ng pangulo na nais niyang maging operational na ang Department of OFW sa buwan ng Disyembre.

TAGS: Marine Bureau, president duterte, Radyo Inquirer, Marine Bureau, president duterte, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.