Flag-raising ceremony idinaos ng Manila City Hall sa Bonifacio Shrine sa unang pagkakataon

By Dona Dominguez-Cargullo July 15, 2019 - 08:33 AM

Sa bagong linis na Bantayog ni Gat Andres Bonifacio idinaos ang flag-raising ceremony ng Manila City Hall ngayong araw ng Lunes, July 15.

Ito ang unang pagkakataon na idinaos sa Bonifacio Shrine ang flag-raising ceremony ng Manila City Hall.

Pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang seremonya.

Magugunitang ipinalinis at ipinaayos ni Moreno ang Andres Bonifacio Shrine matapos personal na matuklasang puno ito ng dumi ng tao.

Ayon kay Moreno, nabawi na ng taong bayan ang parke na dati ay ginawang isang malaking palikuran.

Pagkatapos ng flag-raising ceremony, dumating sa lugar ang “Kusina ni Isko” para mamigay ng libreng lugaw sa mga nasa parke.

TAGS: Bonifacio Shrine, flag raising ceremony, manila city hall, Radyo Inquirer, Bonifacio Shrine, flag raising ceremony, manila city hall, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.