Local Disaster Risk Reduction and Management Councils sa Zamboanga City pinaghahanda sa posibleng pagbaha at landslides
Naghahanda na ang local na pamahalaan sa Zamboanga City sa magiging epekto ng mararanasang pag-ulan ngayong araw.
Ayon kay Zamboanga City Mayor Beng Climaco, inatasan na ang mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Councils (BDRRMCs) na maging alerto sa epekto ng pag-ulan.
Sa forecast kasi ng PAGASA, ang Zamboanga City ay makararanas pa rin ng mahina hanggang katamtaman at kung pinsan ay malakas na buhos ng ulan.
Pinayuhan din ang mga residente na maging alerto sa pagbaha at landslides na maaring maidulot ng pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.