Ayon sa pinakahuling ulat ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, mula sa rehiyon ng CARAGA maging sa mga bayan ng Carmen at Lanuza sa Surigao del Sur ang mga pamilyang naapektuhan.
Habang tumaas na rin sa 52 ang bilang ng naitalang nasugatan, 43 sa mga ito ay out-patient habang 4 naman ang nananatili sa Madrid District Hospital, 3 sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center sa Tandag City habang may 1 ginagamot naman sa Lanuza Rural Unit at may 1 pa sa Surigao City.
Hindi pa rin madaanan ng malalaking sasakyan ang Surigao-Davao Coastal Road sa Sitio Nocot, Barangay Saca sa bayan ng Carrascal, dahil sa mga bumagsak na poste ng kuryente.
Kagyat namang nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan.
Umabot na sa 640 food packs ang naipadala sa mga apektadong pamilya sa Carmen na nagkakahalaga ng P163,000.