Davao Oriental at Eastern Samar niyanig ng lindol

By Mary Rose Cabrales July 15, 2019 - 06:24 AM

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 23 kilometers Southwest sa bayan ng Governor Generoso, alas-4:40 umaga ng Lunes (July 15) at may lalim na 164 kilometers.

Samantala, niyanig naman ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.

Naitala ang pagyanig sa 23 kilometers Northeast ng bayan ng Hernani, alas-5:11 ng umaga at may lalim na 18 kilometers.

Naitala naman ang instrumental intensity 1 sa bayan ng Borongan.

Tectonic ang origin ng dalawang pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

TAGS: davao oriental, eastern samar, Governor Generoso, quake, Radyo Inquirer, davao oriental, eastern samar, Governor Generoso, quake, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.