Bicol Region, Eastern Visayas uulanin dahil sa bagyong Falcon; Habagat magpapaulan sa iba pang bahagi ng bansa
Maghahatid na ng kalat-kalat na pag-ulan ang buntot ng bagyong Falcon ngayong araw sa Bicol Region at sa Eastern Visayas.
Ayon sa severe weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,015 km East ng Virac, Catanduanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong North Northwest.
Ang CALABARZON, MIMAROPA, nalalabi pang bahagi ng Visayas, at sa buong Mindanao ay maaapektuhan ng Southwest Monsoon o Habagat.
Sa Miyerkules, July 17, ang bagyong Falcon at ang Habagat ay inaasahang maghahatid na ng malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila at sa malaking bahagi pa ng Luzon at Visayas.
Sa Biyernes pa ng umaga inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.