Eleazar nagsagawa ng inspeksyon sa mga presinto sa Metro Manila

By Rhommel Balasbas July 15, 2019 - 05:05 AM

Nagsagawa ng surprise inspection si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Guillermo Eleazar sa ilang mga police community precincts sa Metro Manila Lunes ng madaling-araw.

Ang mga pinuntahang istasyon ng pulis ay sa Makati, Mandaluyong, Maynila, Pasig at Taguig.

Natuwa sa pangkalahatan ang police official dahil nadatnan niyang malinis ang mga istasyon ng pulis maging ang labas ng mga ito.

Wala rin siyang nadatnang natutulog na pulis maliban sa isang PCP sa Taguig na may pulis na may unan at kumot na sa upuan.

Pinaalalahanan lang ni Eleazar ang pulis na huwag matulog habang nakaduty.

Ayon kay Eleazar, layon ng kanyang inspeksyon na masolusyonan ang maliliit na problema upang hindi na lumaki pa.

Makatutulong anya ito sa paglilinis sa hanay ng pulisya, pagsupil sa kriminalidad at iligal na droga.

TAGS: Metro Manila police stations, National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Guillermo Eleazar, surprise inspection, Metro Manila police stations, National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Guillermo Eleazar, surprise inspection

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.