Brownlee nagtala ng bagong career-high na 50 points sa laban ng Ginebra vs Columbian

By Rhommel Balasbas July 15, 2019 - 01:49 AM

PBA images

Muling nagtala ng bagong career-high na 50 points si Justin Brownlee para pangunahan ang panalo ng Barangay Ginebra Gin Kings kontra Columbian Dyip, sa overtime, sa iskor na 127-123 sa 2019 PBA Commissioner’s Cup araw ng Linggo sa Araneta Coliseum.

Kamakailan lamang ay nagtala ng 49 points si Brownlee sa laban kontra Magnolia pero agad na nalampasan ito sa kanilang laban kahapon.

Wala nang ‘bearing’ ang panalo ng Ginebra kontra Columbian dahil sila ang fourth seed matapos ang panalo ng Blackwater Linggo ng gabi.

Nagtapos ang Gin Kings sa elimination roud na may 7-4 win-loss record.

Hindi pa natatalo ng Columbian sa franchise history nito ang Ginebra. Nagwakas ang laro ng koponan sa 2019 conference na may 3-8 win loss record.

Ayon kay Ginebra coach Tim Cone maaaring ang laban nila kahapon kontra Columbian ang best non-bearing game sa kasaysayan ng PBA.

“That might be the best non-bearing game in the PBA history—at least that I was a part of,” ani Cone

Bagaman sigurado nang pasok sa playoffs, sinabi ni Cone na ipinagpatuloy lamang nila ang momentum ng kanilang panalo kaya’t hindi sila sumuko.

TAGS: 2019 PBA Commissioner's Cup, Barangay Ginebra Gin Kings, Columbian Dyip, Justin Brownlee, 2019 PBA Commissioner's Cup, Barangay Ginebra Gin Kings, Columbian Dyip, Justin Brownlee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.