Recto bank incident iniakyat ni Lorenzana sa 13th ASEAN Defense Ministerial Meeting
Dinala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang isyu ng pagbangga at pag-abandona ng isang Chinese vessel sa mga mangingisdang Pinoy noong June 9 sa Recto Bank sa 13th Association of Southeast Asian Defense Ministerial Meeting (ADMM) sa Thailand nitong weekend.
Ayon kay Department of National Defense spokesperson Arsenio Andolong, ginamit din ng defense chief ang pagkakataon para pasalamatan ang Vietnamese fishermen na nagligtas sa 22 mangingisda ng F/B Gemver 1.
Matatandaang isa si Lorenzana sa mga unang bumatikos sa ginawang pag-abandona ng mga Chinese sa mga mangingisda.
Upang maiwasan na maganap muli ang kahalintulad na insidente, idiniga ni Lorenzana ang pagsunod sa ADMM guidelines for Maritime Interaction.
Iginiit din ng kalihim ang patuloy na suporta ng Pilipinas sa mga inisyatibong naglalayong mapalakas ang ugnayan ng mga bansa sa pagtugon sa mga problema sa seguridad na kinahaharap sa ASEAN region.
Pinag-usapan din ng defense chiefs ng ASEAN ang mga maaaring gawin para tugunan ang mga implikasyon ng ‘illegal’, ‘unreported’ at ‘unregulated’ fishing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.