Special non-working holiday, idineklara ng Malakanyang sa bayan ng Calabanga at Digos City

Idineklara ng Palasyo ng Malakanyang bilang special non-working holiday ang ilang petsa sa ilang lalawigan sa susunod na linggo.

Pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Proclamation no. 764 para ideklarang special non-working holiday sa munisipalidad ng Calabanga sa Camarines Sur sa araw ng Lunes (July 15).

Ito ay para sa pagdiriwang ng founding anniversary ng lugar.

Samantala, sa pinirmahang Proclamation No. 765, idineklara rin bilang special non-working holiday sa Digos City, Davao del Sur sa araw ng Biyernes (July 19).

Ito ay para naman sa selebrasyon ng kanilang Padigosan Festival.

Ayon kay Medialdea, layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makalahok sa mga aktibidad sa lugar.

Read more...