Special non-working holiday, idineklara ng Malakanyang sa bayan ng Calabanga at Digos City

By Angellic Jordan July 14, 2019 - 09:01 PM

Idineklara ng Palasyo ng Malakanyang bilang special non-working holiday ang ilang petsa sa ilang lalawigan sa susunod na linggo.

Pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Proclamation no. 764 para ideklarang special non-working holiday sa munisipalidad ng Calabanga sa Camarines Sur sa araw ng Lunes (July 15).

Ito ay para sa pagdiriwang ng founding anniversary ng lugar.

Samantala, sa pinirmahang Proclamation No. 765, idineklara rin bilang special non-working holiday sa Digos City, Davao del Sur sa araw ng Biyernes (July 19).

Ito ay para naman sa selebrasyon ng kanilang Padigosan Festival.

Ayon kay Medialdea, layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makalahok sa mga aktibidad sa lugar.

TAGS: Calabanga, camarines sur, Davao del Sur, digos city, Padigosan Festival, Palasyo ng Malakanyang, Salvador Medialdea, special non-working holiday, Calabanga, camarines sur, Davao del Sur, digos city, Padigosan Festival, Palasyo ng Malakanyang, Salvador Medialdea, special non-working holiday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.