Manny Pacquiao, umaasa ng rematch vs Floyd Mayweather
Hindi pa man nagsisimula ang laban ni Fighting Senator Manny Pacquiao kay Keith Thurman, hangad na nito na muli silang magkalaban ni Floyd Mayweather Jr.
Ayon sa Filipino boxing icon, ipapakita nito kung sino ang tunay na nagwagi sa bakbakan nila noong 2015 kung magbabalik muli sa Mayweather sa boxing ring.
Matatandaang noong August 2017, nagretiro si Mayweather matapos manalo sa pamamagitan ng technical knockout kontra kay UFC superstar Conor McGregor.
Samantala, tutok naman ang Pinoy champ sa laban nito kay Thurman na gagawin sa MGM Arena sa Las Vegas sa susunod na Linggo, July 21.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.