Bilang ng nasawi dahil sa pagbaha sa Nepal, umabot na sa 30

By Angellic Jordan July 14, 2019 - 08:44 PM

Pumalo na sa 30 katao ang nasawi habang 12 iba pa ang nasugatan dahil sa nararanasang pagbaha at landslide sa Nepal.

Ayon sa mga otoridad sa nasabing bansa, nadagdagan ang bilang ng mga nasawi dahil sa walang tigil na pag-ulan sa Himalayan nation sa pagitan ng China at India simula noong araw ng Huwebes.

Umabot na kasi sa dangerous water level ang Kosi River sa Silangang bahagi ng Nepal.

Samantala, 18 katao naman ang napaulat na nawawala sa lugar.

Dahil dito, hinikayat ni weather department official Bibhuti Pokharel ang mga residente na manatiling alerto dahil sa inaasahan pang buhos ng ulan sa mga susunod na araw.

TAGS: Kosi River, Nepal, pagbaha, Kosi River, Nepal, pagbaha

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.