55 eskwelahan para sa mga Lumad, sinuspinde ng DepEd

By Angellic Jordan July 14, 2019 - 07:59 PM

Sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ang hindi bababa sa 55 eskwelahan para sa mga Lumad ngayong school year 2019-2020.

Ang mga sinuspindeng eskwelahan ay nasa ilalim ng Salugpungan Ta’tanu Igkanugon Community Learning Center Inc. (Salugpungan) na ayon sa militar ay sangkot sa rebelyon.

Sa inilabas na kautusan ni regional DepEd officer in charge Evelyn Fetalvero noong July 13, sinuspinde ng kagawaran ang mga permit to operate at pagkilala sa mga eskwelahan.

Nakasaad sa kautusan na pinagbasehan nito ang naging rekomendasyon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na hindi tugma ang mga itinutuong leksyon sa alituntunin ng kagawaran.

Sinabi pa ni Esperon na ginagamit ng Salugpungan ang mga estudyante sa mga kilos-protesta laban sa gobyerno.

Tinuturan din aniya ang mga estudyante na lumaban sa mga panukala ng mga gobyerno maging ang paggamit ng baril at pag-atake sa mga sundalo.

TAGS: deped, Lumad, Salugpungan Ta'tanu Igkanugon Community Learning Center Inc., deped, Lumad, Salugpungan Ta'tanu Igkanugon Community Learning Center Inc.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.