LPA, nakapasok na ng PAR; Posibleng maging bagyo sa susunod na 48 oras
Nakapasok na ang binabantayang low pressure area (LPA) sa Philippine Area of Responsibility (PAR), Linggo ng hapon.
Ayon sa PAGASA, bandang 3:00 ng hapon, huling namataan ang sama ng panahon sa 980 kilometers sa Silangang bahagi ng Guiuan, Eastern Samar.
Posible itong maging bagyo sa susunod na 48 oras.
Oras na maging bagyo, tatawagin itong “Falcon” at magiging ika-anim na bagyo sa bansa ngayong taon.
Makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang kidlat at pagkulog sa bahagi ng Bicol region, MIMAROPA, buong Visayas at Mindanao.
Sa Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, magiging maaliwalas naman ang panahon na may isolated rainshowers bunsod ng localized thunderstorm.
Ayon pa sa weather bureau, wala pang nakaatas na gale warming sa bansa kung kayat ligtas pang pumalaot ang mga mangingisda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.