Ito ay para sa paghahanda sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.
Sa inilabas na abiso, hindi papayagang makapasok ang mga personnel at hindi empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na walang ‘official business’ sa loob ng Kamara mula July 19 hanggang 21.
Ayon kay House Acting Secretary-General Dante Roberto, isasagawa ang pre-SONA security requirements sa nasabing mga petsa.
Kasunod nito, inatasan ang mga House Secretariat at Congressional staff na magsumite ng listahan ng mga empleyado na kinakailangang mag-report mula July 19 hanggang 21 sa Executive Director ng Office of the Legislative Security Bureau (LSB).
Dito papayagan ang mga empleyadong kabilang sa listahan na makapasok sa Kamara sa mga nasabing petsa.
Samantala, sa mga media personnel, caterer at contractor naman ay kinakailangang magsuot ng kanilang ID kasama ang color-coded pre-SOA security lock-out stickers.
Binigyan din ng mandato ang Inter-Parliamentary and Public Affairs Department (IPAD) at Engineering and Physical Facilities Department (EPFD) na magsumite ng listahan ng mga accredited na media personnel, caterer at contractor sa Office of the LSB.
Nakasaad din sa abiso ang impormasyon ukol sa paglalabas ng SONA 2019 ID cards, cas passes o parking restrictions at iba pang paalala sa pre-SONA activities.
Hindi rin papayagan ang lahat ng motorsiklo, taxi, Transport Network Vehicles Services (TNVS) na makapasok o makaparada sa loob ng bisinidad ng Kamara sa mga nasabing petsa.