Kris Aquino, ipinaubaya sa mga fans ang pagbabalik-pelikula

By Noel Talacay July 14, 2019 - 05:13 PM

Photo grab from Kris Aquino’s Instagram account

Ipinauubaya na ni Queen of All Media Kris Aquino sa kanyang mga fans kung siya ba ay dapat magbalik-pelikula na o magpahinga muna.

Base sa video na ipinost sa kanyang Instagram account, ipinakita sa video na binibigyan siya ng medical treatment ng kanyang doktor.

Tinanong niya ang kanyang mga fans dahil aniya, sila naman ang manonood ng pelikula kung dapat na siyang magkaroon ng comeback movie o ibigay na lang muna sa ibang aktres ang kaniyang role.

Si Kris ay nakatakdang bumida sa isang horror movie na may pamagat na “Kampon” kung saan makakasama rin ito sa gaganaping 2019 Metro Manila Film Festival.

Ang Queen of Talk ay na-diagnose ng rare autoimmune disease.

Pinagbidahan niya ilang horror movies tulad ng Feng Shui (2004), Sukob (2006), Dalaw (2010) at Segunda Mano (2011).

TAGS: Kris Aquino, Kris Aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.