P1.2M halaga ng shabu, nasabat sa Davao City

July 14, 2019 - 04:10 PM

Nakumpiska ang nasa P1.2 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Davao City, Sabado ng gabi (July 13).

Ayon sa pulisya, nakuha ang mga kontrabando sa mag-asawa na nagmula sa Maguindanao.

Inamin naman ng mga suspek ang pagtutulak ng droga dahil sa kahirapan sa buhay.

Gayunman, iginiit ng mga ito na hindi sila gumagamit ng ilegal na droga.

Kabilang ang mga suspek sa drugs watchlist ng Sasa Police Station.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: Davao City, shabu, Davao City, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.