Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagbuo ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFW).
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, makatutulong ang naturang departamento sa kapakanan at kalusugan ng mga overseas Filipino workers (OFW).
Mainam din aniya ito upang maproteksyunan ang mga manggagawang Filipino laban sa mga illegal recruiter.
Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo sa nasabing sangay ng pamahalaan na tutulong sa mga Filipino sa ibang bansa.
Matatandaang naisumite na ang Senate Bill No. 202 na layong magtayo ng ng isang ahensya para lamang sa mga OFWs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.