SPD nagsagawa ng clean-up drive sa Las Piñas City

Nagsagawa ng clean-up drive ang grupo ng Philippine National Police (PNP) sa Satima Tartar Creek ng Barangay Talon Dos, Las Piñas City, araw ng Sabado, June 13.

Nakiisa sa nasabing programa ang lahat ng tauhan ng Southern Police District kasama ang mga barangay official at volunteer ng Talon Dos.

Lahat sila ay nagsama-sama para damputin ang mga basura sa nasabing creek.

Maliban dito, tinanggal din nila ang mga bagay na maaaring maging dahilan sa pagkabara sa creek.

Panawagan naman ng Southern Police District sa publiko na maging responsable sa kanilang mga basura at iwasang magtapon ng mga basura sa nasabing creek.

Umaasa naman sila na mananatiling malinis ang creek at wala ng magtatapon ng basura dito.

Read more...