Mayor Sotto ilulunsad ang FOI and Complaint Unit sa Pasig City hall

By Noel Talacay July 14, 2019 - 02:47 PM

Pormal nang ilulunsad sa Lunes, July 15 ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasig ang Freedom of Information and Complaint Unit.

Base sa inilabas na anunsyo mula sa official Facebook page ni Pasig Mayor Vico Sotto na dito maaring makita at hilingin ng mga taga-Pasig ang mga impormasyon tulad ng budget sa mga proyekto na kanilang ipatutupad.

Pwede ring maiparating ng mga residente ng Pasig ang kanilang mga hinaing hinggil sa basura, sumbong kontra sa mga masusungit na empleyado ng munisipyo at iba pa.

Ang ganitong pamamaraan aniya ay makapagbibigay ng agarang aksyon at tugon sa mga reklamo ng mga taga-Pasig.

Sinabi pa ni Sotto na maaaring ipadala ang kanilang mga reklamo at mungkahi sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono at website.

Maliban dito, pwede rin aniya ang pagpadala ng liham na sulat-kamay at verbal complain.

TAGS: FOI and Complaint Unit, Mayor Vico Sotto, Pasig City, Pasig City hall, FOI and Complaint Unit, Mayor Vico Sotto, Pasig City, Pasig City hall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.