Isko Moreno, iginiit na wala siyang planong tumakbo sa pagka-pangulo

By Angellic Jordan July 14, 2019 - 02:32 PM

Kuha ni Jan Escosio

Iginiit ni Manila Mayor Isko Moreno na wala siyang planong tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

Sa press conference matapos ang inspeksyon sa Estero San Antonio Abad sa Malate, Maynila sinabi nito na nangako siya sa paglilingkod sa mga residente ng lungsod.

Hindi aniya sumasagi sa kaniyang isipan ang pagtakbo sa 2022 presidential elections.

Oras na matapos ang kaniyang termino bilang alkalde, nais ni Moreno na ituloy ang pagbibigay ng lecture sa mga lokal na pamahalaan.

Sinabi nito na maliban sa mga academic provisions syllabus at laws of Local Government Code ay ibabahagi nito ang kaniyang mga karanasan.

Dagdag pa nito, hindi siya dapat ikumpara kay dating Manila Mayor Arsenio Lacson.

TAGS: 2022 Presidential elections, Isko Moreno, manila, 2022 Presidential elections, Isko Moreno, manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.