Robredo: Reaksyon ng Malakanyang sa imbestigation ng UNHRC, hindi natural

Tinawag ni Vice Presindent Leni Robredo na hindi natural ang reaksyon ng Malakanyang ukol sa resolusyon United Nation Commission on Human Rights Council (UNHRC) sa imbestigasyon sa mga drug-related killings ng bansa.

Ayon kay Robredo, natural na mataranta at mahiya ang pamahalaan ngunit hindi ang pagtutol sa gagawing sa imbestigasyon ay hindi tama.

Kung wala aniyang itinatago ang gobyerno ay dapat patunayan nila ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pagsisiyasat ng UNHRC.

Aniya, dapat tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gagawing imbestigasyon para mapatunayan na mali ang kanilang mga akusasyon.

Giit pa ni Robredo, dapat sumunod ang Pilipinas sa mga patakaran ng United Nations (UN) dahil miyembro ang bansa sa organisasyon.

Sa 47 bansa,18 ang pumabor sa resolusyon sa naguutos kay UN High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na maghanda ng isang komprehensibong ulat kaugnay sa sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa.

Samantala, 14 na bansa naman ang sumalungat sa hakbang habang 15 bansa ang nag-abstain.

Read more...