Ibinaba na ng anti-graft court ang reklamo laban kay Enrique Locsin at Manuel Andal matapos makitang hindi sapat ang ebidensya para sa litisin ang kaso.
Ayon inilabas na resolusyon ng korte, kulang ang ebidensya upang mapatunayang nangurakot ng pondo ang dalawa.
Ang paglabas ng resolusyon ay kasunod ng pagpayag ng Sandiganbayan Second Division sa hiling ng dalawa na tignan muli ang ebidensya.
Si Locsin at Andal ay parehong nominees ng Philippine Communications Satellite Corporation (Philcomsat) at Philippine Overseas Telecommunications Corporation (POTC).
Matatandaang inireklamo ang ang dalawa ng korapsyon dahil sa pagtanggap ng umano ng malaking sahod mula 2003 hanggang 2015.
Nakakuha rin ang dalawa ng sahod na P300,000 kada taon na sobra sa itinalagang P180,000 na taunang sahod ayon sa Memorandum Circular No. 40.
Bukod pa ito sa mga travel allowances na nagkakahalaga ng P550,000 at ibang hindi maipaliwanag na reimbursements na umabot sa P15 Milyon para kay Locsin at P11 milyon para kay Andal.
Excerpt:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.