Lalaki binaril sa Angono, patay

By Clarize Austria July 14, 2019 - 10:28 AM

Nasawi ang isang lalaki matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang indibidwal sa Angono, Rizal noong Sabado ng gabi, July 13.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Roy Magallano, 29 anyos at isang on-call driver.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pinagbabaril si Magallano sa Manila East Road sa Barangay San Isidro habang nakatayo sa gilid ng kalsada.

Nakatakas naman ang suspek nang tumakbo at sumakay sa kasama nitong nakamotorsiko.

Sinugod ang biktima sa ospital ngunit dead on the spot na ito dahil sa tinanong dalawang tama ng bala sa dibdib.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang basyo ng kalibre 45 na baril.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon at inaalam ang motibo sa nangyaring pamamaril.

TAGS: lalaki patay matapos tambangan, Manila East Road sa Barangay San Isidro sa Angono Rizal, lalaki patay matapos tambangan, Manila East Road sa Barangay San Isidro sa Angono Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.