Dyarber ng tumagilid na trak sa QC, sugatan

By Clarize Austria July 14, 2019 - 10:16 AM

Sugatan ang isang dump driver matapos tumagild ang minamaneho nitong sasakyan sa Congressional Avenue sa Quezon City kaninang alas 12:30 ng madaling araw.

Nakilala ang driver na si Elde Inion, 32 anyos na nagsugatan sa kamay nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Inion, tumagilid ang naturang sasakyan nang biglang lumubog ang dalawang gulong nito sa lupa habang nagbaba ng buhangin sa ginagawang gasolinahan.

Umuulan noong mga panahong nangyari ang insidente kung kaya’t malambot ang lupa sa lugar.

Nagmula ang trak sa Montalban na apat na buwan ng nagrarasyon ng buhangin sa nasabing lugar.

Nanatili naman ang trak na nakatagilid hanggang alas 6:00 ng umaga dahil hindi kinaya ng maliliit na tow truck na itayo ito.

TAGS: Sugatan ang isang dump driver, tumagilid na dump truck, Sugatan ang isang dump driver, tumagilid na dump truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.