Sugatan sa lindol sa Surigao del Sur, 51 katao na

By Clarize Austria July 14, 2019 - 09:41 AM

Umabot na sa 51 katao ang naitalang sugatan matapos ang naramdamang magnitude 5.8 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon kay Police Chief Lieutenant Wilson Uanite, hepe ng Madrid Police, marami ring nasirang gusali kabilang na ang mga bahay, simbahan at ospital dahil sa lakas ng lindol

Agad naman inilikas ang mga pasyente sa Madrid District Hospital matapos magkaroon ng mga bitak sa pader at mga poste ng ospital.

Malaki rin ang naidulot na pinsala ng lindol sa Matrid at iba pang lugar sa naturang lalawigan.

Naramdaman ang naturang lindol bandang alas 4:42 ng madaling araw noong July 13 kung saan ang sentro nito ay naitala sa northeast coast ng isla ng Mindano.

TAGS: 5.8 na lindol sa Surigao del Sur, 51 katao ang naitalang sugatan, Madrid District Hospital, Madrid Police, Police chief Lieutenant Wilson Uanite, 5.8 na lindol sa Surigao del Sur, 51 katao ang naitalang sugatan, Madrid District Hospital, Madrid Police, Police chief Lieutenant Wilson Uanite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.