LPA, papasok sa PAR sa Linggo o Lunes

By Clarize Austria July 14, 2019 - 09:17 AM

Inaasahang papasok ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Visayas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng Linggo ng gabi o sa Lunes.

Ayon sa inilabas na public weather forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), alas 3:00 ng umaga ay namataan ang LPA sa 1,345 kilometro silangan ng Visayas.

Bagamat wala pa sa PAR, magdadala ang trough o extension ng LPA ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pagkulog at pagkidlat sa buong bansa.

Magaging maulap at maulan ang panahon na may kasamang pagkulog partikular na sa Metro Manila, Bicol, Calabarzon, Bicol at mga lalawigan sa Visayas at Mindanao.

Makakaranas naman ng bahagyang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan sa hapon ang North and Central Luzon dahil sa localized thunderstorms.

Wala namang naitalang gale warning dahil katamtaman ang alon sa coastal waters ng bansa.

Kung maging ganap na bagyo ang LPA sa darating na Martes ay papangalanan itong ‘Falcon’.

TAGS: Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Visayas, LPA darating na Martes, Philippine Area of Responsibility (PAR), Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Visayas, LPA darating na Martes, Philippine Area of Responsibility (PAR)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.