Bonifacio Shrine muling ininspeksyon ni Isko Moreno

By Clarize Austria July 14, 2019 - 08:29 AM

Muling pinuntahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang Bonifacio Shrine kaninang ala 1:30 ng madaling araw upang inspeksyunin.

Sa ikalawang pagbisita ni Moreno sa naturang bantayog, malinis na at nawala na rin ang mabagong amoy sa lugar.

Natakpan na rin ang butas na pinapasukan at ginagawang tambayan ng mga tao at bagong pintura ang rebulto ni Emilio Jacinto sa naturang shrine.

Wala na ring mga nagtitinda sa paligid at may nagpapatrolya ng pulis.

Matatandaan na nagtungo ang alkalde sa nasabing monumento noong nakaraang linggo kung saan nakatapak siya ng isa sa mga nakakalat na dumi ng tao.

TAGS: Bonifacio Shrine, Manila Mayor Isko Moreno, Remove term: Isko Moreno nakatapak ng dumi ngtao Isko Moreno nakatapak ng dumi ng tao, Bonifacio Shrine, Manila Mayor Isko Moreno, Remove term: Isko Moreno nakatapak ng dumi ngtao Isko Moreno nakatapak ng dumi ng tao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.