Bumaba muli ang antas ng tubig sa Angat Dam ngayong araw (July 14) sa kabila ng mga pag-ulan nitong nakaraang linggo.
Ayon sa datos ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) kaninang alas 6:00 ng umaga, nasa 159.15 meters ang lebel ng tubig sa naturang dam.
Mas mababa ito ng 0.30 meters mula sa 159.45 meters kahapon (July 13).
Samantala, bahagya namang tumaas ang tubig sa La Mesa dam na mula 72.16 meters ay naging 72.26 meters.
Ang lebel naman ng tubig sa ibang dam ay:
– Ipo Dam, mula 99.41 meters naging 99.37 meters
– Ambuklao Dam, mula 741.67 meters 741.51 meters
– San Roque Dam, mula 231.04 meters naging 230.80 meters
– Pantabangan Dam, mula 189.76 meters naging 189.52 meters
– Magat Dam, mula 180.98 meters naging 180.72 meters
– Caliraya Dam, 286.37 meters naging 286.20 meters
– Binga Dam, mula 568.59 meters ay naging 568.79 meters
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.