Patay ang isang Pilipinong lolo matapos biglang atakihin ng isang pulubi sa isang lungsod sa Los Angeles, California sa USA .
Kinilala ng LA Police District ang biktima na si Julius Rondez, 70 anyos, isang katutubong mula sa Pantukan, Compostela Valley in Mindanao, na kasalukuyang nagtatrabaho sa Department of Water and Power firm sa Los Angeles City.
Ayon sa ulat ng pulisya, pauwe na ang biktima mula sa trabaho nito nang magtungo sa metro train station ng nasabing lungsod nang bigla itong atakin ng isang pulubi na nakilala naman ng mga otoridad sa ngalan na Gerson Carillo Torres, 22 taong gulang.
Isang mahigpit na pagkakasakal ang ginawa ng suspek sa biktima dahilan upang mawalan ito ng malay at mabagok ang ulo sa sidewalk sa pagbagsak nito.
Agad na isinugod sa pagamutan ang walang malay na si Rondez na agad namang binawian ng buhay kinabukasan dahil sa natamong pinsala.
Kasalukuyan nang nasa pangangalaga na ng LA Police District si Torres na hanggang ngayon ay hindi parin nagsasalita ukol sa mga posibleng motibo niya sa ginawang pag atake sa matanda.
Samantala, pinagpa-pyansa naman ng LA court ang suspek na nagkakahalaga ng $2 million para sa pansamantalang paglaya nito.