Jolina Magdangal ipinagdiriwang ang ika-20 na anibersaryo ng kanyang kantang ChuvaChoochoo

By Noel Talacay July 13, 2019 - 09:32 PM

Pinagdiriwang ngayong taon ni Ms. Jolina Magdangal ang 20th anniversary ng kanta niyang ChuvachooChoo.

Sa Instargram post ng aktres, pinost nito ang kanyang video habang sinasayaw nito ang kanyang kantang chuvachoochoo, na may caption na “kaya niyo ba akong sabayan?’

Muling sinariwa ng magaling na aktres ang kanyang very iconic na mga dance move sa nasabing kanta.

Ayon sa kanyang post sa IG, 20th anniversary na ng #chuvachoochoo.

Tinag pa niya ang kanyang dating ka-love team na si Marvin Agustin at ang kaibigan nitong si Nikki Valdez, na gumawa ng Chuvachoochoo challenge.

Hinimok din niya ang kayang mga followers at fans na gumawa rin ng dance video sa sikat niyang kanta na Chuvachoochoo at lagyan ng hashtag “Chuvachoochoo challenge”.

Samantala, sumagot naman si Nikki Valdez at pabirong sinabi nitong siya lang ang gagawa ng challenge, dahil master na ito ni Marvin Agustin.

Sa ngayon mayroon ng mahigit 300 thousand views at 85 comments ang nasabing video ni Ms. Jolina Magdangal.

 

TAGS: #chuvachoochoo, 20th anniversary na ng #chuvachoochoo, Marvin Agustin, Ms. Jolina Magdangal, Nikki Valdez, #chuvachoochoo, 20th anniversary na ng #chuvachoochoo, Marvin Agustin, Ms. Jolina Magdangal, Nikki Valdez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.