Pulis Magiting program pormal ng inilunsad ng NCRPO

By Noel Talacay July 13, 2019 - 09:10 PM

Layunin ng nasabing programa na bigayan pagkilala ang mabuting na gawa ng mga pulis.

Ang unang police na nabigyan ng nasabing pagkilala ay si Police Corporal Claro Fornis ng Police Precinct 1, Makati City Police Station.

Si Fornis ay nag viral matapos tumayong bilang guardian ni Angela Perez, kung saan nakakulong ang mga magulang ng bata dahil sa drug case.

Dahil dito tumanggap si Fornis ng samu’t saring positibong papuri mula sa publiko.

Ayon kay NCRPO Regional Director PMGEN Guillermo Eleazar, na magpapatuloy ang nasabing programa sa susunod na buwan at taon.

Paalala naman niya sa mga pulis na iwasan gumawa ng anumang bagay na makakasira sa organisasyon o hanay ng mga pulis, bagkus, magsilbi bilang isang magandang halimbawa sa publiko.

TAGS: Makati City Police Station., National Capital Region Police Office (NCRPO), NCRPO Regional Director PMGEN Guillermo Eleazar, Police Corporal Claro Fornis ng Police Precinct 1, Pulis Magiting program., Makati City Police Station., National Capital Region Police Office (NCRPO), NCRPO Regional Director PMGEN Guillermo Eleazar, Police Corporal Claro Fornis ng Police Precinct 1, Pulis Magiting program.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.