25 sugatan sa lindol sa Surigao del Sur

Sugatan ang 25 katao habang maraming tahanan, simbahan at mga gusali ang nasira sa pagyanig ng magnitude 5.5 na lindol sa hilagang-kanluran ng isla ng Mindanao kaninang 4:42 ng umaga.

Sinabi ni Police chief Lieutenant Wilson Uanite, na nagtago sa ilalim ng mga lamesa ang kanilang mga opisyal sa kanilang police station sa lungsod ng Madrid sa Surigao del Sur habang nagaganap ang pagyanig sa lugar at ang pag talsik ng mga nababasag na bahagi ng glass door ng mga filing cabinet nila sa opisina. Nahulog din ang TV nila sa isang lamesa.

Dagdag din ni Uanite, Gumuho din ang bubong ng isang lumang parking sa naturang lugar na nagdulot naman ng bahagyang pinsala sa dalawang fire trucks ng lungsod at tatlo kotse.

Sinabi din sa inilabas na written report ng Office of Civil Defense ng rehiyon, na naramdaman din ang epekto ng pagyanig sa apat na kalapit na bayan kung saan ay napinsala din ang ilang mga tahanan, dalawang simbahan, hotel, gym, tulay, at isang pampublikong merkado.

Nasa 25 katao naman ang naitalang sugatan sa nangyaring pagyanig sa buong rehiyon kabilang na ang anim na katao sa lungsod ng Madrid at ang mag amang nabagsakan ng pader na gumuho sa bubong ng kanilang silid sa Cantilan City.

 

Read more...