25 sugatan sa lindol sa Surigao del Sur

By Marlene Padiernos July 13, 2019 - 08:49 PM

Sugatan ang 25 katao habang maraming tahanan, simbahan at mga gusali ang nasira sa pagyanig ng magnitude 5.5 na lindol sa hilagang-kanluran ng isla ng Mindanao kaninang 4:42 ng umaga.

Sinabi ni Police chief Lieutenant Wilson Uanite, na nagtago sa ilalim ng mga lamesa ang kanilang mga opisyal sa kanilang police station sa lungsod ng Madrid sa Surigao del Sur habang nagaganap ang pagyanig sa lugar at ang pag talsik ng mga nababasag na bahagi ng glass door ng mga filing cabinet nila sa opisina. Nahulog din ang TV nila sa isang lamesa.

Dagdag din ni Uanite, Gumuho din ang bubong ng isang lumang parking sa naturang lugar na nagdulot naman ng bahagyang pinsala sa dalawang fire trucks ng lungsod at tatlo kotse.

Sinabi din sa inilabas na written report ng Office of Civil Defense ng rehiyon, na naramdaman din ang epekto ng pagyanig sa apat na kalapit na bayan kung saan ay napinsala din ang ilang mga tahanan, dalawang simbahan, hotel, gym, tulay, at isang pampublikong merkado.

Nasa 25 katao naman ang naitalang sugatan sa nangyaring pagyanig sa buong rehiyon kabilang na ang anim na katao sa lungsod ng Madrid at ang mag amang nabagsakan ng pader na gumuho sa bubong ng kanilang silid sa Cantilan City.

 

TAGS: Cantilan City, lungsod ng Madrid sa Surigao del Sur, magnitude 5.5 na lindol, Police chief Lieutenant Wilson Uanite, Sugatan ang 25 katao, Cantilan City, lungsod ng Madrid sa Surigao del Sur, magnitude 5.5 na lindol, Police chief Lieutenant Wilson Uanite, Sugatan ang 25 katao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.