Bangkay ng nawawalang engineer natagpuang palutang lutang sa Lawa ng Caliraya sa Laguna

By Marlene Padiernos July 13, 2019 - 08:35 PM

Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang naiulat na nawawalang engineer noong nakaraang Martes, July 9, 2019, sa Caliraya Lake.

Ayon sa inilabas na ulat ng Cavinti police, dakong alas dos ng hapon ng makita ng dalawang trabahador ang palutang-lutang na bangkay malapit sa ginagawa nilang golf course sa isang resort sa Barangay East Talaongan.

Positibong kinilala na mga katrabaho ng nawawalang engineer na si Jebbie Fuentes Beatriz, 38 anyos at in-charge sa ongoing construction project ng DB-Israel Engineering Services sa isang resort, at ang natagpuang bangkay ay iisa.

Nakabalot sa kumot ang katawan ng biktima habang may nakakabit na sako sa tagiliran nito na naglalaman ng limang kilong bato na pinaniniwalaang ginamit ng suspek upang gawing pampabigat sa bangkay upang hindi ito lumutang.

Ilang personal din na gamit ng biktima kasama na ang tuwalya, T-shirt, dalawang duguang unan at isang martilyo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen ang natagpuan sa loob ng nasabing sako.

Ayon kay Cavinti police chief, Police Captain Abelardo Jarabejo III, nakitaan ng dalawang tama ng matigas na bagay ang ulo ng biktima na posibleng bakas ng paghampas ng martilyo sa ulo nito habang natutulog ito sa barracks.

Samantala, ang pagkawala ng biktima ay nauna nang inireport sa pulis noong Biyernes ng umaga ni Augusto Barsolaso Miraya Jr. , kasamahan sa trabaho ng biktima, na ngayon ay person-of-interest na ng pulisya dahil sa hindi na ito muli pang nagpakita matapos nitong mag report sa pulisya.

Nagpapatuloy parin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente habang pinaghahanap na rin si Miraya na person of interest nila.

TAGS: Augusto Barsolaso Miraya Jr., Caliraya Lake, Cavinti police, DB-Israel Engineering Services, Jebbie Fuentes Beatriz, Police Captain Abelardo Jarabejo III, Augusto Barsolaso Miraya Jr., Caliraya Lake, Cavinti police, DB-Israel Engineering Services, Jebbie Fuentes Beatriz, Police Captain Abelardo Jarabejo III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.