Lalaki sa Cebu pinaniniwalaang namatay dahil sa labis na paggamit ng computer

By Marlene Padiernos July 13, 2019 - 03:56 PM

Labis na kapaguran ang umano’y naging dahilan nang matagpuang patay sa loob ng sariling kuwarto ang isang lalaki sa Sitio Nasipit, Brgy. Talamban, sa lungsod ng Cebu.

Binangungot umano ang biktima na kinilalang si Roldan Gonzaga, 19 taong gulang at nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi ng kaibigan ng biktima na mahilig itong maglaro ng computer bago matulog at gigising naman ng maaga para mamalengke dahilan upang labis na mapuyat umano ang biktima.

Pagkatapos ng mga gawain ay pagko-computer ang sinasabing kaagad na pinagkaka-abalahan ng biktima.

Kasalukuyan naman nang nakikipag-ugnayan ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) team sa mga kaanak ni Gonzales para maisailalim sa autopsy ang labi nito.

Patuloy paring inaalam ng pulisya kung may foul play o wala ang pagkamatay ng biktima.

TAGS: cebu, computer, gadget, SOCO, cebu, computer, gadget, SOCO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.