Pag-aalis sa nakatira sa mga estero sa Maynila sinimulan na

By Clarize Austria July 13, 2019 - 03:21 PM

Inquirer photo

Binisita ni Environment Secretary Roy Cimatu at Mayor Isko Moreno ang mga creek na kasama sa mga nililinis sa ilalim ng rehabilitation program ng Manila Bay.

Ayon kay Cimatu, mahalagang maisaayos ang mga naturang daluyan ng tubig dahil nadadala ng mga ito ang dumi mula sa mga kabahayan sa paligid nito.

Kasama aniya sa proseso ng paglilinis ay ang paglilipat sa mga informal settlers na nakatira malapit sa mga estero at mga bakod na lumagpas sa tatlong metro na paligid sa estero.

Siniguro naman ni Moreno na sa Metro Manila pa rin ang gagawing relokasyon upang makapaghanapbuhay pa rin ang mga tao.

Tutulungan din aniya ang mga ito ngunit kung nay lumabas na cease and decease order mula sa DENR, mahigpit nila itong susundin.

Magkakaroon ng dayalogo sa pagitan ng DENR at pamahalaan ng Maynila patungkol sa mga plano sa pagsasayos sa lugar sa darating na Martes, July 16.

Sa kasalukuyan, 20 pamilya na lamang ang natitirang kailangang irelocate habang ang 70 pamilya naman ay nakalipat na relocation site sa Brgy. Tala, Caloocan City.

TAGS: cimatu, DENR, estero, manila, moreno, cimatu, DENR, estero, manila, moreno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.