Tubig sa Angat Dam patuloy sa pagbaba ayon sa Pagasa
Muling nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam ngayong araw ng Sabado, July 13.
Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), bumaba ang tubig sa naturang dam ng 159.45meters mula sa 159.69 meters kahapon.
Bumaba rin ang tubig sa:
– Binga dam, mula 568.94 meters naging 568.59 meters
– Patabangan Dam, mula sa 190.10 meters naging 186.76 meters
– San Roque Dam mula sa 231.20 meters naging 231.04 meters
– Magat Dam mula sa 181.09 meters naging 180.98 meters
Nadagdagan naman ang tubig sa La Mesa Dam na umangat sa 72.16 meters mula sa 72.06 meters kahapon.
Tumaas din ang tubig sa:
– Ipo Dam, mula 99.40 naging 99.41
– Ambuklao Dam, mula 741.60 naging 741.67
– Caliraya, mula 286.35 naging 286.35
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.