P1.1 milyong halaga ng marijuana nasabat sa Bulacan; 2 arestado

By Jong Manlapaz July 13, 2019 - 02:59 AM

Nasamsam ang 5.5 kilo na marijuana na nagkakahalaga ng P1.1 million ng Balagtas Police sa Brgy San Juan, Balagtas, Bulacan.

Arestado ang dalawang suspek na pawang mga estudyante na sina Paolo Licud, 21 anyos at Mark John Paul Bateni, 18 anyos.

Nagsagawa ng buy bust operation ang Balagtas Police Station laban sa dalawang suspek na hinihilang tulak ng bawal na gamot.

Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng marijuana sa dalawang suspek, at ng abutan ng isang plastic sachet ng marijuana ang poseur buyer, dito na dinakma ng mga otoridad ang mga suspek.

Dinala sa Bulacan Crime lab ang mga marijuana para sa drug test at laboratory examination habang nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 ang dalawang estudyanteng suspek.

 

TAGS: 2 estudyante, 5.5 kilos, arestado, Balagtas, Bulacan, buy bust, Marijuana, P1.1 million, 2 estudyante, 5.5 kilos, arestado, Balagtas, Bulacan, buy bust, Marijuana, P1.1 million

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.