Luis Manzano naglinaw sa umanoy ‘bitter’ comment sa engagement ni Angel Locsin

By Len Montaño July 13, 2019 - 01:48 AM

Nilinaw ng aktor na si Luis Manzano ang kanyang pahayag ukol sa engagement ng dati nitong girlfriend na si Angel Locsin.

Sa tingin kasi ng ilang fans ay tila bitter umano si Luis sa kanyang sinabi.

Pero paliwanag ng aktor, ang talagang sinabi niya ay “huwag niyo na” at hindi “huwag niya na” at napabilis lang umano ang bigkas niya dito.

Dagdag ni Luis, ang kuwento nila Angel at fiancé nito na si Neil Arce ay sa kanila kaya huwag na raw silang idamay ng kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola ng ilang fans o media sa love story ng ibang tao.

Sinabi pa ng binata na hindi na kailangan ang opinyon nila sa engagement ni Angel.

Noong 2007 nang unang naging magkasintahan sina Luis at Angel. Nagkahiwalay sila makalipas ang 2 taon pero nagkabalikan noong 2014.

Tuluyang naghiwalay ang dalawa noong 2016 at ngayon ay engaged na si Angel habang may karelasyon na si Luis.

TAGS: Angel Locsin, bitter, engagement, ex-girlfriend, Jessy Mendiola, love story, Luis Manzano, Neil Arce, wag idamay, Angel Locsin, bitter, engagement, ex-girlfriend, Jessy Mendiola, love story, Luis Manzano, Neil Arce, wag idamay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.