P3.4M halaga ng shabu nasamsam sa buy bust sa Zamboanga
Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Region 9 ang P3.4 million na halaga ng shabu sa buy bust operation sa Zamboanga City.
Sa naturang operasyon, tatlong suspek ang naaresto.
Pero itinanggi ng mga suspek na sina Kerwin Sulaiman, Bong Sawbin at Saddam Gulam na sa kanila ang nakumpiskang droga.
Ayon kay PDEA Region 9 director Jacqueline De Guzman, nakipag-ugnayan sila sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa naturang operasyon.
Inaalam ng otoridad kung ang tatlong suspek ay mga miyembro ng malaking sindikato na nag-ooperate sa rehiyon.
Sinabi ni De Guzman na posibleng middleman ang tatlo at hindi lamang simpleng tulak dahil sa dami ng droga na nakuha sa kanila.
Isang PDEA agent ang nakipag-transaksyon sa mga suspek sa isang mall sa Barangay Putik.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.