Buntot ng LPA sa labas ng PAR magpapa-ulan sa Visayas at Mindanao sa weekend
Inaasahang magpapatuloy ang pag-uulan hanggang weekend dahil sa trough o buntot ng Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa Pagasa, malaki ang tsansa na maging ganap na bagyo ang LPA sa susunod na mga araw at tatawagin itong Falcon na pang-anim na bagyo sa bansa.
Sa pagtaya ng Japan Meteorological Agency, magiging bagyo ang sama ng panahon sa Linggo.
Samantala, maulan sa buong weekend sa Luzon, Mimaropa partikular ang Palawan habang ang Ilocos Region, Zambales, Calabarzon at Bicol region ay uulanin Sabado ng hapon.
Maulang panahon din ang asahan sa Linggo sa bahagi ng Angat Dam habang sa Metro Manila ay posible ang thunderstorms lalo na sa hapon at gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.