2 patay sa pamamaril ng riding in tandem sa Cebu

Credit: Paul Lauro

Dalawa ang nasawi sa magkahiwalay na pag-atake ng mga riding in tandem sa loob ng 12 oras sa isla ng Mactan sa Cebu.

Pinakahuling patay Biyernes ng umaga ay sa bayan ng Cordova kung saan isang driver ng pedicab ang biktima.

Ayon kay Police Master Sergeant Marvin Ando ng Cordova Police Station, binaril sa dibdib at ulo si Romeo Calunod, 56 anyos.

Hinatid lamang ni Calunod ang pamangkin nito sa Upper Highway sa Barangay Pilipog at pauwi na nang sundan ito ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Dead on the spot ang biktima nang paputukan ito ng mga suspek.

Tinitingnang anggulo ang galit sa pagpatay kay Calunod na nabatid na suspek din sa pamamaril 10 taon na ang nakalipas.

Una rito ay patay din sa pamamaril ang isang lolo na kasama ang kanyang asawa at apo.

Galit din ang nakikitang motibo ng pulisya sa pagpatay sa biktima.

 

Read more...