Pangulong Duterte, nais mabuo ang Department of OFW sa Disyembre

By Angellic Jordan July 12, 2019 - 10:02 PM

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang mabuo ang Department of Overseas Filipino Workers (OFW) sa buwan ng Disyembre.

Sa kaniyang talumpati sa ‘Araw ng Pasasalamat’ para sa mga OFW sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City, sinabi ng pangulo na aaprubahan niya ang Department of OFW.

Sinabi ng pangulo na nakausap na niya si Labor Secretary Silvestre Bello III ukol sa pangangailangan ng pagbuo ng isang departamento dahil sa dami ng problemang kinasasangkutan ng mga tinatawag na ‘modernong bayani’ ng bansa.

“Maybe I will decide, I have the permission from Sec. Bello na sa dami ng problema, kailangan na ninyo ng isang departamento. So, you will have Department of OFW. Para sa inyo lang,” pahayag ni Duterte.

Sinabi ng pangulo na ipagbabawal na ang pag-recruit sa labas ng bubuoing ahensya.

Dapat aniyang pumunta ang mga OFW sa itatayong tanggapan at doon pumili ng kukuning trabaho para maiwasan ang pang-aabuso sa mga Filipino sa ibang bansa.

“By December. Buong Pilipinas ito. Bawal na ‘yang recruitment diyan sa labas na punta ka doon. Doon ka makipag-deal, may listahan doon. Mamili ka na lang kung sino ang gusto mo at ‘yan regulated and I have the power to do that because that kind of mechanism of recruiting Filipino workers abroad has been abused and abused and abused,” ani Duterte.

Hindi aniya katanggap-tanggap ang pang-mamaltrato ng ibang dayuhan sa mga OFW na nakatutulong sa pagtaas ng ekonomiya ng bansa.

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo, lalagyan din aniya ng police attache sa iba’t ibang lugar para direktang makakahingi ng tulong ang mga OFW na masasangkot sa anumang klase ng problema.

Ang police attache aniya ang magiging responsable para i-report o ipaalam sa Pilipinas para maresolba ang problema.

TAGS: Department of OFW, Disyembre, DOLE, ofw, Rodrigo Duterte, Sec. Silvestre Bello III, Department of OFW, Disyembre, DOLE, ofw, Rodrigo Duterte, Sec. Silvestre Bello III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.