Duterte, binuweltahan ang UNHRC dahil sa pagpabor na imbestigahan ang war on drugs ng gobyerno

By Angellic Jordan July 13, 2019 - 05:00 AM

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga member-state ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) dahil sa pagpabor sa resolusyon ng Iceland na magsagawa ng imbestigasyon sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.

Sa kaniyang talumpati sa selebrasyon ng ika-28 anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Quezon City, sinabi ng pangulo na hindi naiintindihan ng mga bansang pumabor sa resolusyon ang mga social at political problem sa bansa.

“Itong mga ga*** ito, they don’t understand the social, political problems of the Philippines,” pahayag ni Duterte.

Sinabi pa ng pangulo na yelo lang ang tanging problema sa Iceland.

Dahil dito, hindi aniya maiintindihan ng bansang walang krimen at maging mga pulis ang sitwasyon sa Pilipinas.

“Hindi maintindihan ng mga put******** ‘to na may problema tayo. Iceland, ano ang problema ng Iceland? Ice lang. That’s your problem you have too much ice and there is no clear day or night there. So you can understand why there is no crime, there are no policemen, and they just go about eating ice,” ani Duterte.

Ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng pahayag ang pangulo sa isyu isang araw matapos bumoto ang 18 bansa pabor sa resolusyon sa ika-41 sesyon ng UNHRC sa Geneva.

TAGS: Iceland, karapatang pantao, Pilipinas, political problem, Rodrigo Duterte, social problem, UNHRC, Iceland, karapatang pantao, Pilipinas, political problem, Rodrigo Duterte, social problem, UNHRC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.